HELP Cainta

Before we get too depressed about the state of our politics, let’s remember our history. The great debates of the past, all stirred great passions. They all made somebody angry, and at least once led to a terrible war. What is amazing, is that despite all the conflict, our experiment in democracy has worked better than any form of government on earth.

Binabagtas natin ngayon ang daan patungo sa isang bagong dekada. Mula nung ang aking pamilya ay tumira sa bayang ito, wala na kaming nadatnan kundi sigalot ng iilang mamamayang nagnananais na mapasakanila ang kapangyarihan. Ngunit iyan pa ba ang kailangan ng ating bayan sa ngayon?

Sa ngayon ang kailangan natin ay pagbabago; ngunit hindi lamang basta pagbabago kundi paghihilom ng mga malalalim na sugat na dulot ng mga nakaraang pulitika. Kailangan natin ng paghihilom; at ang tunay na paghihilom ay makakamit lamang sa pamamagitan ng pagkilos patungo sa pag-unlad.

Kaya inilulunsad ni JC ang H.E.A.L. Cainta, isang serye ng iba’t-ibang mga programa at aktibidad sa buong bayan ng Cainta na tumututok sa 4 na susi ng pag-unlad ng Cainta: Health (Kalusugan), Education (Edukasyon), Alleviation from Poverty (Pag-ahon sa Kahirapan), at Livelihood (Kabuhayan). Walang hindi imbitado basta gustong tumulong. Anuman ang kulay ng iyong pulitika, sino man ang mayor na dala mo, pwede ka dito!

Mga Activities ng H.E.A.L. Cainta program:

HEALTH (Kalusugan)

 

 

-Paglulunsad ng mga Medical, Optical, and Dental Mission para sa mga taga-Cainta, lalung-lalo na sa mga senior citizens

-Pagbibigay ng medical assistance sa pamamagitan ng cash o referral sa mga nasa ospital na taga-Cainta

-Pagbibigay ng mga health and wellness seminars/workshops sa mga sitio at subdivision sa tulong ng mga Barangay Health Workers (BHW)

EDUCATION (Edukasyon)

-Tumulong sa pagpapapaaral ng daan-daang bata sa mga daycare centers

-Tumulong sa paglikha ng Cainta Municipal College, na mag-aalok ng mga pinakain-demand na kurso sa kolehiyo

-Magbigay ng scholarship sa mga poor but deserving high school students para makapagkolehiyo

ALLEVIATION FROM POVERTY (Pag-ahon sa Kahirapan)

-Pataasin ang skill level ng mga taga Cainta upang makahanap ng maayos at pangmatagalang trabaho

Livelihood (Kabuhayan)

-Turuan ang mga taga-Cainta ng tamang industriya pagnegosyohan, paghanap ng puhunan, at pananatili ng negosyo.

Iniimbitahan namin kayong lahat na maging bahagi ng mga gawaing ito. Ang taga Cainta, MAY ALAM. MAY PAKIALAM.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

One Response to HELP Cainta

  1. Justin says:

    Wow Heal Cainta..I live here. I am here. I love here.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: