Sino ka? CFAD Student?


Ikaw, CFAD Student!

Susunod ka dahil hawak ko ang kinabukasan mo!

Kakalbuhin ko ang buhok mo, lalagasin ako ang kalayaan mo!

Susunod ka sa akin, ok?

Hindi ka papasok nang mahaba ang buhok.

Wala akong pakialam kung bumagsak ka dahil malago ang buhok mo.

Wala naman talaga akong pakialam.

Kakalbuhin kita kung kailan ko gusto.

Hindi kita papapasukin sa kaharian ko.

Bawal ang mahaba ang buhok, bawal akong labanan?

Hindi ka ba natatakot sa akin?

Ako ang may hawak ng kinabukasan mo.

Matagal ko nang kinapon ang bayag mo.

Wala ka nang laban.

Posas? Hindi yan posas, KADENA YAN!

Matagal na kitang itinali. Matagal na matagal na?

Gumawa ka ng plate. Magdasal kapag alas dose.

Kumain sa oras ng pagkain. Umalis sa oras ng pag alis.

Kung hindi, ipapakalbo kita.

Hindi lang kita sa leeg hawak, pati sa buhok.

Hindi ka ba natatakot sa akin?

Putang ina mo, CFAD student.

Hindi ka naman pala papalag. Akala ko pa naman maangas ka.

Wala ka pala… Buhok lang pala ang katapat mo!

– – –

AKO AY ISANG CFAD STUDENT,

Babalingkwas ako dahil mali ang sistema.

Hindi ako susunod sa patakarang mapang-abuso.

Tinatakot mo ba ako? Hindi naman ako takot.

Intact ang bayag ko.

Kakalbuhin mo ako? Subukan mo…

Hindi lang buhok ko ang kumakatawan sa akin.

Hindi buhok ko ang utak ko. Hindi buhok ko ang lahat.

Kalbuhin mo man ako ng paulit-ulit.

Harangin mo man ako sa lobby.

Pahahabain ko ang buhok ko, hindi para asarin ka,

DAHIL ITO AY HINDI MO SAKOP.

Utak ko, kinabukasan ko, hawak mo!

Pero hindi ang katawan ko.

Ang katawan ko ay akin, hindi sa’yo.

Bakit mo ko kakalbuhin? Naaangasan ka ba?

Eh di magpahaba ka rin!

Gagawa ako ng plate, susunod sa mga BATAS NA TAMA AT MAY KATUWIRAN

Ngunit susuway sa mga polisiyang walang ginagawa kundi sakupin ang natitirang bahagi ng aking sariling matatawag kong akin.

Tinatakot mo ba ako? Hindi ako natatakot?

Matagal mo na akong tinatakot, matagal mo nang pinababahag ang buntot ko?

Ipapadebar mo ba ako?

Hahahaha. Humanda ka.

NAG IISIP NA AKO NGAYON.

GISING NA AKO.

TAPOS NA ANG GABI, UMAGA NA.

GISING NA AKO.

NASA PUSO KO ANG TAPANG NG MGA ESTUDYANTENG NAUNA SA AKIN.

SI EDADES, ANG AMING TAGAPAGTATAG.

NANDITO SIYA, BUHAY NA BUHAY SA PUSO KO,

AT IKINAHIHIYA KA!

Tinatakot mo ba ako?

Kakalbuhin mo ba ako?

HINDI AKO NATATAKOT SA’YO!

About carlomasajo
I am a 21 year old Fine Arts student from the University of Santo Tomas trying to help this nation become a better one.

4 Responses to Sino ka? CFAD Student?

  1. addicted says:

    dapat ito ang “panatang makabayan” ng cfad student..

  2. iya says:

    ❤ well said. i agree with what addicted said.

  3. rj naguit says:

    ohhh..nice. galing! sana sa nursing ganyan rin.hehe

  4. rj naguit says:

    at napakahaba namang panatang makabayan yan kung sakali.hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: