OFW


Naka-Gucci ang kanyang brasong kumakaway sa tarangkahan ng paliparan.

Bitbit ang sangkaterbang Toblerone, at maletang punung-puno ng laman.

Matatamis na ngiti ang ipinansasalubong,

Sa mga kamag-anakan.

 

Walang hanggang kwentuhan ng mga karanasan,

Mga lugar na napasyalan, mga gamit na naipondar.

Kumakain sa mga mala-piging na handaan,

At star sa lahat ng handaang bayan.

 

Ngunit ang ngiting kanyang suot, at ang Guccing nakaangkla

Ay resulta ng limang taong pangungulila,

Pangungulila sa sariling bayan,

Pagkukuskos ng mga kasilyas

Sa bahay na kanyang pinangangamuhan,

Mga kaarawang sa Pilipinas ay hindi napuntahan,

At pagtitiis na ‘di makapiling ang mga kapatid at magulang,

At pagtulog ng nag-iisa sa isang malayong bayan.

 

Ang Gucci at Toblerone ay lalong sumasarap,

Mga piging ay lalong sumasaya,

Sapagka’t ang ipinambili ng lahat ng iyon ay pawis niya at luha.

About carlomasajo
I am a 21 year old Fine Arts student from the University of Santo Tomas trying to help this nation become a better one.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: