Ang Hele ni Simang na Matrona


Pumipintig ang paa sa haba ng lakarin,

Paakyat sa simbahan; paluhod na tinutungo ang altar ng Maykapal.

Kahahanap sa unang tibok, sa unang tikatik, sa unang hikbi.

Ang pusong hindi na nakasumpong ligaya,

Mula nang ang unang irog ay aking makilala, at mawala.

 

Nakatindig sa tirikan ng kandila, naghihintay ng milagro, naghihintay ng himala,

Piso para sa bawat kandila, limang piso para sa bawat hiling.

 

Nananalangin.

Na sana, bago lumapit sa akin ang pagkaluoy ng aking panahon,

Muling maranasan ko ang pakiramdam,

Ng paulit-ulit na halik, ng himas, ng yakap, ng datig,

Na maranasan ko ang pakiramdam ng pusong lumulundag

 

Sa pagkasumpong ng tunay na pag-ibig,

 

kahit ilang segundo lang,

 

Sawa na ako sa ligayang bayaran, sa ligayang may sentimong katumbas.

Sawa na ako sa paggasta ng limang piso para sa himala, at limandaan para sa patuloy na pagkabuhay.

 

Isandaan bawat halik, limandaan bawat yakap, isanlibo para sa bawat round ng ligaya.

Ang aking panalangin, na muli,

Bago sumapit ang aking kamatayan, ay makadama ng,

Pag-ibig, himas, yakap, datig, halik, na hindi ko binayaran.

About carlomasajo
I am a 21 year old Fine Arts student from the University of Santo Tomas trying to help this nation become a better one.

Leave a comment