Si Tinggoy sa Call Center


Isang kathang piksyon ni John Carlo Masajo

Ako si Tinggoy, dalawampung taong gulang, call center agent sa isang matayong na bilding sa Makati. Nakatira sa Quezon City.  Nabubuhay ng simple ngunit disente.

Umaalis ako sa bahay ng alas otso ng gabi. Ito ang simula ng aking araw-araw; sa gabi. Mula sa Bago Bantay ay sumasakay ako ng tricycle, pagkatapos ng bus, pagkatapos ng jeep. Linggo hanggang Lunes, paulit-ulit na gawain. Sasakay, bababa, mag-aabang.

Pagdating ko sa Ayala, magsisindi ng isang stick na sigarilyo, mag-aabang ng alas-onse, ang oras ng aking pasok.  Kakain ng taho. Minsan, nagiging masarap na ang mag-almusal ng alas-nuwebe ng gabi. Kasabay ng mga Amerikanong makakausap ko maya-maya.

9:00 AM EST ang oras ng pasok ko. Alas-diyes ng gabi dito sa Maynila. Nagsisimula na ang buhay sa New York. Tumatawag na ang mga Amerikanong hindi mapaandar ang kanilang mga washing machine.

“Thank you for calling customer service, my name is Jacob, how may I help you today?” ang bungad ko sa bawat bagong makakausap. May ibang tuwang-tuwa dahil sila ay tinutulungan, may ibang nakikipagsigawan. Isipin mo: mga isandaan ng mga ganitong uri ng tawag ang matatanggap mo sa isang araw.

Nakaupong parang prinsesang kape ang iniinom. Minsan, kapag may quarterly at performance bonus, Starbuck’s, Figaro, o Seattle’s ang kape. Ngunit kapag gitna ng pay season at pamasahe na lang ang pera, talo na ang 3 in 1. Mahirap at masarap, hindi lamang ang kape ko, kundi pati ang buhay.

At sino ang mag-aakalang masarap kumain ng lunch ng alas-tres ng madaling araw?

…ITUTULOY…

About carlomasajo
I am a 21 year old Fine Arts student from the University of Santo Tomas trying to help this nation become a better one.

2 Responses to Si Tinggoy sa Call Center

  1. Tell me, how much of this is your life? Just curious.

  2. carlomasajo says:

    mmm… this is not about me… wala lang… just tried imagining what life in a call center is like…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: