Mga alaalang balot ng Cotton Candy at Spaghetti


Nitong mga nakaraang araw ay sinusubukan kong kalimutan ang maraming mga bagay ng nakaraan. Mga lumang gawain, lumang ugali, mga lumang inibig.

Pero minsan, talagang hindi maiwasan na bumalik sila paminsan-minsan. After all, naging bahagi naman sila ng buhay ko.

May iba kasing mga bagay ng nakaraan na masarap balik-balikan. Ang mga araw ng pagpapalipad ng saranggola sa Luneta, ang pagkain ng fish balls, ang pagbabasa ng mga akda ni Rizal. Minsan nga gusto natin silang gawin, kung meron lamang tayong oras.  At marami pang ibang masarap ulitin: pagkain ng ice cream, unang halik, ang pakiramdam ng umibig at ibigin.

Ngunit may mga alaala na mas gusto na lamang natin ilagay sa “archives” ng utak natin. Sa buhay ko, maraming ganun. Dahil medyo overused ang utak na ito, maraming ikakahon, at mahaba-habang oras ang gugugulin para sa pagkakahon. Mga nasirang relasyon, nagkalamat na pagkakaibigan, mga bagsak na grade, mga kaaway, kawalan ng direksyon. Lahat iyan ay gusto nating waglitin.

Gayunpaman, ilagay man natin ang mga ito sa napakapal at matitigas na kahon, sila ay paulit-ulit pa rin na babalik sa ating isipan. At minsan, nakakainis na sila na gusto na natin silang iwanan at layasan. Ngunit ang mga ito ay parang tukong kumakapit sa atin.

Mayroon akong karanasang nais na lamang limutin ngunit ayaw umalis. Ayan ay ang pinakahuli kong pag-ibig; si Sulayman (hindi niya tunay na pangalan). Si Sulayman ay isa ring mag-aaral sa paaralang aking pinapasukan. Inibig ko siya ng matagal, ngunit hindi ito nauwi sa isang happy ending. Iba ang ending ng buhay niya, at ganun din naman sa akin.

Gusto ko nang itapon sa recycle bin ng buhay ko ang bahaging ito, ngunit bumabalik balik itong parang isang masamang panaginip na balot ng cotton candy at spaghetti. Hindi ko ito maitapon; kaya ngayon, andito pa rin ako, umaasa ng magandang happy ending.

Sulayman, kung mababasa mo man ito, kasalukuyang nag dedefrag ang utak ko. Sana naman ay maalis na kita, o mapasaakin ka bago kita ma-move sa recycle bin. Hindi ko ikakaila, hanggang ngayon, mula ugat, buto, balat, utak, puso, kaluluwa ko, mahal na mahal ka. walang sablay at humpay, kagaya pa rin ng apat na taon kong ginawa.

Ang lyrics ng kantang ito ay para sa iyo:

4 SEASONS OF LONELINESS (Boyz 2 Men) 

I long for the warmth of days gone by
When you were mine
But now those days are memories in time
Life’s empty without you by my side
My heart belongs to you
No matter what I try

When I get courage up to love somebody new
It always falls apart cause they just
Can’t compare to you
You love won’t release me
I’m bound under ball and chain
Reminiscing our love as I watch four season’s change

[Chorus: ]
In comes the winter breeze
That chills the air and drifts the snow
And I imagine kissing you under the mistletoe
When springtime makes its way here
Lilac blooms reminds me of the scent of your perfume
When summer burns with heat
I always get the hots for you
Go skinny dippin’ in the ocean where we used to do
When autumn sheds the leaves the trees are bare
When you’re not here it doesn’t feel the same

Remember the nights when we closed our eyes
And vowed that you and I would be in love for all time
Anytime I think about these things is shared with you
I break down and cry cause I get so emotional
Until you release me I’m bound under ball and chain
Reminiscing our love as I watch four seasons change

[Chorus]

This loneliness
Has crushed my heart
Please let me love again
Cause I need your love to comfort me and ease my pain
Or four seasons will bring the loneliness again

About carlomasajo
I am a 21 year old Fine Arts student from the University of Santo Tomas trying to help this nation become a better one.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: