Iskolar ni JC
LIBRENG SKILLS TRAINING PARA SA CAINTA
ANO ANG “ISKOLAR NI JC” PROGRAM?
Ang “Iskolar ni JC” program ay isang programang isinasagawa sa pakikipagtulungan ng Keystone-Cambridge Training Center, isang training center na dalubhasa sa mga technical and vocational courses. Ito ay nakatuon sa proyekto ng ating Pangulong GMA na bigyan ng libreng technical education ang mga Pilipino.
Sa kasalukuyan ay magbubukas ang Isoklar ni JC ng dalawang kurso para sa mga taga-Cainta. Ito ay ang:
- A. CALL CENTER TRAINING – ang call center training ay para sa mga gustong magkaroon ng pormal na pagsasanay bilang paghahanda para sa call center, isa sa pinakamalalaking industriya sa Pilipinas. Pwede rin itong training para sa mga gustong pagbutihin ang kanilang personalidad.
REQUIREMENTS:
- At least high school graduate
- Good English-speaking skills
- B. SOFTWARE DEVELOPMENT – ang software development ay isang training module para sa mga nakatapos ng kolehiyo na gustong magkaroon ng mas advance na pagsasanay sa COBOL, ORACLE, JAVA, DOT NET, DRUPAL, at marami pang iba.
REQUIREMENTS:
- College graduate
- Computer literate
Habang nag-aaral ang mga iskolar ay makakakuha sila ng allowance na Php 60.00 araw araw, na makukuha ang kabuuan sa kanilang pagtatapos. Ang allowance na ito ay sasagot sa pamasahe ng mga iskolar.
Kapag natapos na nila ang kurso, makakatanggap sila ng isang certificate na magpapatunay na natapos nila ang kurso. Maaari na nila itong gamitin sa paghahanap ng trabaho. Ang mga programang iniaalok ay accredited ng TESDA.
PARAAN NG PAGPAPAKALAT
Ibibigay ang mga forms ng scholarships sa mga sitio sa pamamagitan ng isang organisasyon. Magkakaroon ng orientation at screening ng mga potential na scholars at, kapag nakapasa, ay agad na ikakasa para sa pag-aaral.
Iikot ang Iskolar ni JC team kasama ang mga accredited trainers para masuri on the spot ang mga potensyal na estudyante.







AA Divinagracia is the former EiC of Varsi right?
[...] Iskolar ni JC! [...]
wilberchie: Yes. he is…