Posted on October 26, 2007 by carlomasajo
Naka-Gucci ang kanyang brasong kumakaway sa tarangkahan ng paliparan.
Bitbit ang sangkaterbang Toblerone, at maletang punung-puno ng laman.
Matatamis na ngiti ang ipinansasalubong,
Sa mga kamag-anakan.
Walang hanggang kwentuhan ng mga karanasan,
Mga lugar na napasyalan, mga gamit na naipondar.
Kumakain sa mga mala-piging na handaan,
At star sa lahat ng handaang bayan.
Ngunit ang ngiting kanyang suot, at ang Guccing nakaangkla
Ay resulta [...]
Filed under: Uncategorized | Leave a Comment »
Posted on October 26, 2007 by carlomasajo
Ang tiyan ko ay isang moog, hulmahan, gawaan,
Isang pansamantalang tirahan
Isang paraiso sa loob ng aking katawan,
Na pabrika ng mga baog na mga magulang.
sandaanlibong piso, at isang gabing siping,
sampung libo buwan buwan, at paghihintay ng siyan ma buwan,
ay mabibigyan ko ng supling ang mga hindi biniyayaan,
isang batang kalahati ng aking laman, at kalahati ay binayaran.
Isang anak [...]
Filed under: Uncategorized | Leave a Comment »
Posted on October 26, 2007 by carlomasajo
Pumipintig ang paa sa haba ng lakarin,
Paakyat sa simbahan; paluhod na tinutungo ang altar ng Maykapal.
Kahahanap sa unang tibok, sa unang tikatik, sa unang hikbi.
Ang pusong hindi na nakasumpong ligaya,
Mula nang ang unang irog ay aking makilala, at mawala.
Nakatindig sa tirikan ng kandila, naghihintay ng milagro, naghihintay ng himala,
Piso para sa bawat kandila, limang piso [...]
Filed under: Uncategorized | Leave a Comment »